Mga Kawikaan 9:10-16
Mga Kawikaan 9:10-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman. Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan. Ang nakakatulad nitong taong mangmang, babaing magaslaw at walang kahihiyan. Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay, o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan. Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan, ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan, “Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!” Kanya namang sinasabi sa mga mangmang
Mga Kawikaan 9:10-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang paggalang sa PANGINOON ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa. Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay. Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan. Ang kamangmangan ay katulad ng isang babaeng maingay, hindi marunong at walang nalalaman. Nakaupo siya sa pintuan ng kanyang bahay o sa upuan sa mataas na lugar sa lungsod, at tinatawag ang mga dumadaan na papunta sa kanilang trabaho. Sabi niya, “Halikayo rito, kayong mga walang karunungan.” At sinabi pa niya sa walang pang-unawa
Mga Kawikaan 9:10-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan. Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y musmos at walang nalalaman. At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad: Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya
Mga Kawikaan 9:10-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman. Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan. Ang nakakatulad nitong taong mangmang, babaing magaslaw at walang kahihiyan. Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay, o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan. Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan, ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan, “Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!” Kanya namang sinasabi sa mga mangmang
Mga Kawikaan 9:10-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan. Ang hangal na babae ay madaldal; Siya'y musmos at walang nalalaman. At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, Sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, Upang tawagin ang nangagdadaan, Na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad: Sinomang musmos ay pumasok dito: At tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya