Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 31:10-25

Kawikaan 31:10-25 ASND

Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya. Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay. Masigasig siyang humahabi ng mga telang linen at lana. Tulad siya ng barko ng mga mangangalakal; nagdadala siya ng mga pagkain kahit galing pa siya sa malayong lugar. Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at upang sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin. Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas. Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa. Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi. Siya rin ang gumagawa ng mga tela upang gawing damit. Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan. Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya. Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay mamahalin at magaganda. Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan. Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal. Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 31:10-25

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya