Sinabi ng PANGINOON, “Sa mga araw na iyon, ipapapatay ko ang inyong mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe. Gigibain ko ang inyong mga lungsod pati na ang mga napapaderang lungsod. Sisirain ko ang inyong mga anting-anting at mawawala ang inyong mga mangkukulam. Hindi na kayo sasamba sa mga imahen at sa mga alaalang bato na inyong ginawa, dahil wawasakin ko ang mga ito. Sisirain ko rin ang inyong mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. At wawasakin ko ang inyong mga lungsod. Sa aking matinding galit, maghihiganti ako sa mga bansang sumuway sa akin.”
Basahin Micas 5
Makinig sa Micas 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Micas 5:10-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas