Mula kay Santiago na lingkod ng Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo: Sa labindalawang tribong nakakalat sa mundo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan. Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo. Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin. Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon, dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya. Dapat ikagalak ng mga kapatid nating mahihirap ang pagpaparangal ng Diyos sa kanila. Dapat ding ikagalak ng mga mayayaman na kapatid kay Kristo ang pagpaparangal sa kanila ng Diyos, dahil lilipas silang katulad ng mga bulaklak sa parang. Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa kasagsagan ng kanyang pagpapayaman. Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya. Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, “Akoʼy tinutukso ng Diyos,” sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan. Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid. Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago. Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.
Basahin Santiago 1
Makinig sa Santiago 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Santiago 1:1-18
5 Araw
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
16 Araw
Kung ikaw ay isang mananampalataya kay Jesu-Kristo, kung gayon ang iyong mga aksyon ay dapat na sumasalamin sa iyong bagong buhay; ilagay ang iyong pananampalataya sa pagkilos. Araw-araw na paglalakbay kay James habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas