Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 62:1-5

Isaias 62:1-5 ASD

Dahil sa mahal ko ang Jerusalem, hindi ako tatahimik hanggaʼt hindi dumarating ang kanyang tagumpay at katuwiran na parang nagbubukang-liwayway; at hanggang sa mapasakanya ang kanyang kaligtasan na parang nagniningas na sulo. O Jerusalem, makikita ng mga bansa at ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay, katuwiran, at ang iyong kapangyarihan. Bibigyan ka ng PANGINOON ng bagong pangalan. Ikaw ay magiging parang koronang maganda sa kamay ng PANGINOON na iyong Diyos. Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Diyos” o “Ikinasal sa Diyos”, sapagkat ang PANGINOON ay nalulugod at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya. Tulad ng binatang ikakasal sa isang dalaga, pakakasalan ka rin ng iyong Manlilikha. At kung papaanong nagagalak ang lalaking ikakasal sa kanyang kasintahan, ang iyong Diyos ay nagagalak din sa iyo.