Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 62:1-5

ISAIAS 62:1-5 ABTAG01

Alang-alang sa Zion ay hindi ako tatahimik, at alang-alang sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang kanyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kanyang kaligtasan na gaya ng sulong nagniningas. At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang iyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan na ipapangalan ng bibig ng PANGINOON. Ikaw naman ay magiging korona ng kagandahan sa kamay ng PANGINOON, at koronang hari sa kamay ng iyong Diyos. Hindi ka na tatawagin pang ‘Pinabayaan’; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na ‘Giba’; kundi ikaw ay tatawaging ‘Ang Aking Katuwaan Ay Nasa Kanya’, at ang iyong lupain ay tatawaging ‘May Asawa’, sapagkat ang PANGINOON ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay magiging may asawa. Sapagkat kung paanong ang binata ay ikinakasal sa dalaga, gayon ikakasal ka sa iyong mga anak na lalaki, at kung paanong ang lalaking ikakasal ay nagagalak sa babaing ikakasal, gayon magagalak ang Diyos sa iyo.