Isaias 62:1-5
Isaias 62:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab. Makikita ng mga bansa ang pagpapawalang-sala sa iyo, at ng lahat ng hari ang iyong kaningningan. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan, na si Yahweh mismo ang magkakaloob. Ikaw ay magiging magandang korona sa kamay ni Yahweh, isang maharlikang putong na hawak ng Diyos. Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo'y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo'y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo'y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain. Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
Isaias 62:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil sa mahal ko ang Jerusalem, hindi ako tatahimik hanggaʼt hindi dumarating ang kanyang tagumpay at katuwiran na parang nagbubukang-liwayway; at hanggang sa mapasakanya ang kanyang kaligtasan na parang nagniningas na sulo. O Jerusalem, makikita ng mga bansa at ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay, katuwiran, at ang iyong kapangyarihan. Bibigyan ka ng PANGINOON ng bagong pangalan. Ikaw ay magiging parang koronang maganda sa kamay ng PANGINOON na iyong Dios. Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Dios” o “Ikinasal sa Dios”, dahil nalulugod sa iyo ang Dios at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya. Siya na lumikha sa iyo ay magpapakasal sa iyo na parang isang binata na ikakasal sa isang birhen. At kung papaanong ang nobyo ay nagagalak sa kanyang nobya, ang iyong Dios ay nagagalak din sa iyo.
Isaias 62:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas. At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon. Ikaw naman ay magiging putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios. Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin. Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.
Isaias 62:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab. Makikita ng mga bansa ang pagpapawalang-sala sa iyo, at ng lahat ng hari ang iyong kaningningan. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan, na si Yahweh mismo ang magkakaloob. Ikaw ay magiging magandang korona sa kamay ni Yahweh, isang maharlikang putong na hawak ng Diyos. Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo'y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo'y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo'y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain. Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
Isaias 62:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)