Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hebreo 5:7-10

Hebreo 5:7-10 ASND

Noong namumuhay pa si Jesus sa mundong ito, umiiyak siyang nananalangin at nagmamakaawa sa Dios na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig naman siya dahil lubos siyang naging masunurin. At kahit Anak siya mismo ng Dios, natutunan niya ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mga pagtitiis na dinanas niya. Naging ganap siya at pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya. Kaya itinalaga siya ng Dios na maging punong pari tulad ng pagkapari ni Melkizedek.