Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 5:7-10

Mga Hebreo 5:7-10 ASD

Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos. At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya. At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya, at itinalaga siya ng Diyos na maging punong pari, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.