Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 27:34-40

Genesis 27:34-40 ASND

Pagkarinig nito ni Esau, umiyak siya nang labis. Sinabi niya, “Ama, basbasan nʼyo rin po ako!” Pero sumagot si Isaac, “Niloko ako ng nakababatang kapatid mo at nakuha na niya ang basbas ko na para sana sa iyo.” Sinabi ni Esau, “Pangalawang beses na ito na niloko niya ako. Kaya pala Jacob ang pangalan niya. Kinuha na niya ang karapatan ko bilang panganay at ngayon, kinuha pa niya ang basbas na para sa akin.” Pagkatapos, nagtanong siya, “Ama, wala na po bang natitirang basbas na para sa akin?” Sumagot si Isaac, “Ginawa ko na siya na maging iyong amo at ginawa ko rin ang lahat ng kamag-anak niya na maging mga alipin niya. Ibinigay ko na sa kanya ang saganang pagkain at inumin. Kaya ano pa ang maibibigay ko para sa iyo anak?” Nagmakaawa pa si Esau sa kanyang ama, “Ama, wala na po bang kahit isang basbas? Basbasan nʼyo rin po ako.” At patuloy ang kanyang paghagulgol. Sinabi ni Isaac sa kanya, “Hindi aani ng sagana ang lupaing titirhan mo, at palagi itong walang hamog na biyaya ng Dios. Palagi kang makikipaglaban, at maglilingkod ka sa iyong kapatid. Pero kung lalaban ka sa kanya, makakalaya ka sa kanyang kapangyarihan.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 27:34-40