Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 40:1-16

Exodus 40:1-16 ASND

Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Itayo mo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan sa unang araw ng unang buwan. Ilagay mo sa loob ang Kahon ng Kasunduan, at tabingan mo ito ng kurtina. Ipasok mo ang mesa sa Tolda at ayusin mo ang mga kagamitan nito. Ipasok mo rin ang mga lalagyan ng ilaw at ilagay ang mga ilaw nito. Ilagay mo ang mga gintong altar na pagsusunugan ng insenso sa harap ng Kahon ng Kasunduan, at ikabit ang kurtina sa pintuan ng Tolda. “Ilagay mo ang altar na pagsusunugan ng mga handog sa harapan ng pintuan ng Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan. Ang planggana ay ilagay sa pagitan ng Tolda at ng altar, at lagyan ito ng tubig. Ilagay ang mga kurtina sa bakuran ng Tolda, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. “Pagkatapos, kunin mo ang langis at wisikan ang Tolda at ang lahat ng kagamitan nito bilang pagtatalaga nito sa akin, at magiging banal ito. Wisikan mo rin ang altar na pagsusunugan ng mga handog at ang lahat ng kagamitan nito bilang pagtatalaga nito sa akin, at magiging pinakabanal ito. Wisikan mo rin ang planggana at ang patungan nito bilang pagtatalaga nito sa akin. “Dalhin mo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki sa pintuan ng Toldang Tipanan at paliguin mo sila roon. Ipasuot mo kay Aaron ang banal na mga damit at italaga siya sa akin sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis para makapaglingkod siya sa akin bilang pari. Dalhin mo rin ang mga anak niya at ipasuot ang damit-panloob nila. Pahiran mo rin sila ng langis gaya ng ginawa mo sa kanilang ama, para makapaglingkod din sila sa akin bilang mga pari sa lahat ng susunod pang mga henerasyon.” Ginawa ni Moises ang lahat ng iniutos sa kanya ng PANGINOON.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya