Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 1:1-3

Ester 1:1-3 ASD

Ito ang mga pangyayari sa panahon ni Haring Asuero. Siya ang Asuero na naghari sa 127 na lalawigan mula sa India hanggang sa Etiopia. Noong panahong iyon, pinamumunuan niya ang kanyang nasasakupan mula sa kanyang trono sa lungsod ng Susa. Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan.