Ester 1:1-3
Ester 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang panahon ni Haring Xerxes ng Persia, ang sakop niya'y mula sa India hanggang Etiopia. Binubuo ito ng 127 lalawigan. Ang kanyang palasyo ay nasa Lunsod ng Susa na siyang kapitolyo ng Persia. Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari, siya ay naghanda ng isang piging para sa kanyang mga pinuno, mga katulong sa palasyo, mga punong-kawal ng Persia at Media, pati mga maharlika at mga gobernador ng mga lalawigan.
Ester 1:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang mga pangyayari sa panahon ni Haring Asuero. Siya ang Asuero na naghari sa 127 na lalawigan mula sa India hanggang sa Etiopia. Noong panahong iyon, pinamumunuan niya ang kanyang nasasakupan mula sa kanyang trono sa lungsod ng Susa. Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan.
Ester 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nangyari nga, sa mga kaarawan ni Assuero, (ito ang Assuero na naghari, mula sa India hanggang sa Etiopia, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan:) Na sa mga kaarawang yaon, nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian, na nasa Susan na bahay-hari, Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari, siya'y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe, at mga lingkod niya; ang kapangyarihan ng Persia at Media, ang mga mahal na tao at mga prinsipe, ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya
Ester 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang panahon ni Haring Xerxes ng Persia, ang sakop niya'y mula sa India hanggang Etiopia. Binubuo ito ng 127 lalawigan. Ang kanyang palasyo ay nasa Lunsod ng Susa na siyang kapitolyo ng Persia. Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari, siya ay naghanda ng isang piging para sa kanyang mga pinuno, mga katulong sa palasyo, mga punong-kawal ng Persia at Media, pati mga maharlika at mga gobernador ng mga lalawigan.
Ester 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)