Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Hari 9:10-14

1 Hari 9:10-14 ASND

Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali – ang templo ng PANGINOON at ang palasyo sa loob ng 20 taon, ibinigay niya ang 20 bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tyre. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres at ng ginto na kanyang kailangan. Pero nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tyre para tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito. Sinabi niya kay Solomon “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul, at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon. Nagpadala roon si Hiram kay Solomon ng limang toneladang ginto.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya