Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Hari 3:1-5

1 Mga Hari 3:1-5 ASD

Nakipag-alyansa si Solomon sa Faraon na hari ng Ehipto at naging asawa niya ang anak nito. Dinala niya ang kanyang asawa sa Lungsod ni David hanggang sa matapos niya ang pagpapatayo ng kanyang palasyo, ng Templo ng PANGINOON, at ng mga pader sa paligid ng Jerusalem. Wala pang templo noon para sa PANGINOON, kaya ang mga tao ay naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar. Ipinakita ni Solomon ang pagmamahal niya sa PANGINOON sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tuntunin na iniwan ng ama niyang si David. Maliban doon, naghandog siya at nagsunog ng insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar. Isang araw, pumunta si Haring Solomon sa Gibeon upang maghandog dahil naroon ang pinakatanyag na sambahan sa mataas na lugar. Nag-alay siya sa altar ng isang libong handog na sinusunog. Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang PANGINOON sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo.”