1 Mga Hari 3:1-5
1 Mga Hari 3:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem. Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh. Mahal ni Solomon si Yahweh, at sinusunod niya ang mga tagubilin ng kanyang amang si David. Subalit nag-aalay din siya ng handog at nagsusunog ng insenso sa mga altar sa burol. Minsan, pumunta si Solomon sa Gibeon upang maghandog, sapagkat iyon ang pinakatanyag na sagradong burol. Nakapag-alay na siya roon ng daan-daang handog na sinusunog. Kinagabihan, samantalang siya'y naroon pa sa Gibeon, nagpakita sa kanya si Yahweh sa isang panaginip at tinanong siya, “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.
1 Mga Hari 3:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nakipag-alyansa si Solomon sa Faraon na hari ng Ehipto at naging asawa niya ang anak nito. Dinala niya ang kanyang asawa sa Lungsod ni David hanggang sa matapos niya ang pagpapatayo ng kanyang palasyo, ng Templo ng PANGINOON, at ng mga pader sa paligid ng Jerusalem. Wala pang templo noon para sa PANGINOON, kaya ang mga tao ay naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar. Ipinakita ni Solomon ang pagmamahal niya sa PANGINOON sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tuntunin na iniwan ng ama niyang si David. Maliban doon, naghandog siya at nagsunog ng insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar. Isang araw, pumunta si Haring Solomon sa Gibeon upang maghandog dahil naroon ang pinakatanyag na sambahan sa mataas na lugar. Nag-alay siya sa altar ng isang libong handog na sinusunog. Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang PANGINOON sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo.”
1 Mga Hari 3:1-5 Ang Biblia (TLAB)
At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot. Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon. At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako. At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon. Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
1 Mga Hari 3:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem. Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh. Mahal ni Solomon si Yahweh, at sinusunod niya ang mga tagubilin ng kanyang amang si David. Subalit nag-aalay din siya ng handog at nagsusunog ng insenso sa mga altar sa burol. Minsan, pumunta si Solomon sa Gibeon upang maghandog, sapagkat iyon ang pinakatanyag na sagradong burol. Nakapag-alay na siya roon ng daan-daang handog na sinusunog. Kinagabihan, samantalang siya'y naroon pa sa Gibeon, nagpakita sa kanya si Yahweh sa isang panaginip at tinanong siya, “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.
1 Mga Hari 3:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)