YouVersion Logo
Search Icon

Ang Buhay Kay KristoSample

Ang Buhay Kay Kristo

DAY 4 OF 4

MAMUHAY NG SAGANA

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa (Efeso 1:7-8)

Siguradong nakakita ka na ng pulubi. May mga taong nagbibigay ng limos sa kanya, at ang iba naman ay ayaw siyang tulungan. Maaaring iniisip nilang tamad itong magtrabaho o kaya naman ay ito ay mga manloloko na yumaman sa pamamalimos. Maaaring iniisip din nila na ang mga pulubi na iyon ay miyembro ng sindikato ng pulubi. Ang pag-iisip na aabusuhin ng iba ang ating mga kaloob ay bumubulag sa ilan sa atin na mag-atubiling maging bukas-palad.

Hindi ganoon ang Diyos. Ang Diyos sa pamamgitan ni Kristo ay “ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit.” (talata 3). Dito, maaari nating isipin na natural lamang na pagpapalain ng Diyos ang mga naniniwala sa Kanya. Ngunit kung titingnan natin ang konteksto, lumalabas na bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo (talata 4). Ang Kanyang kabutihang-loob ay nariyan para sa atin – bago pa man tayo nilikha sa mundo.

Isa pa, ginawa ng Diyos ang pagpiling iyon “ng may karunungan at pag-iingat.” (talata 8).Alam Niya ang lahat tungkol sa atin, kabilang na ang ating mga kasalanan, paglabag, at maling gawain – ngunit pinili Niya na "italaga tayo na makabilang bilang Kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, ayon sa mabuting kaluguran ng Kanyang kalooban" (talata 5). Ang ating potensyal na pag-abuso ng Kanyang biyaya ay hindi magbabago at babawi ng Kanyang biyaya na Kanyang itinakda na para sa ating buhay.

Pagninilay:

1. Nakakita ka na ba o nakatagpo man lang ng pulubi nang personal? Ano ang tingin mo sa taong iyon? Nagbigay ka ba ng limos sa kanya?

2. Paano ka dapat mamuhay kung alam mong sagana ang biyaya ng Diyos sa iyong buhay?

Aplikasyon:

Matuto tayong mamuhay bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng ating sarili sa pamumuno ng Banal na Espiritu upang luwalhatiin natin ang Diyos sa pamamagitan ng bukas-palad na pamumuhay sa ating kapwa.

Day 3