Ang Buhay Kay KristoSample
ANG BUHAY AY GAYA NG ISANG PAGLALAKBAY
At sinabi niya sa kanila, “Magpuyat kayo at manalangin para hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman.” (Marcos 14:38)
Noong unang panahon, may isang emperador na nagsabi sa isa sa kanyang mga mangangabayo na ibibigay niya sa kanya ang anumang lugar na maaari niyang tuklasin. Agad na tumalon ang mangangabayo sa likod ng kanyang kabayo at pinabilis ang takbo hangga't maaari upang galugarin ang pinakamalawak na posibleng mga lugar. Patuloy niyang hinahampas ang kanyang kabayo upang tumakbo nang mas mabilis hangga't kaya niya. Hindi siya tumigil kahit siya ay gutom at pagod dahil gusto niyang pamahalaan kung maaari ang pinakamalawak na mga lugar. Sa wakas, narrating niya ang lugar matapos tuklasin ang medyo malalaking lugar kung saan siya ay pagod na pagod na halos mamatay. Pagkatapos sinabi niya sa kanyang sarili, "Bakit ko pinilit ang aking sarili na mamuno sa gayong malalaking lugar? Ngayon ako ay mamamatay na, at kailangan ko lamang ng isang maliit na lugar upang ilibing ang aking sarili."
Ang kwentong ito ay katulad ng ating paglalakbay sa buhay. Dahil sa ating makalamang pagnanasa, madalas tayong nahuhulog sa mga tukso na lubhang nagtutulak sa ating sarili na maghanap ng pera, kapangyarihan, at sobrang pagtitiwala sa sarili. Pinababayaan natin ang ating kalusugan, oras sa pamilya, mga pagkakataong magpahingalay sa kagandahan ng ating paligid, sa mga bagay na gusto nating gawin, gayundin sa ating espirituwal na buhay at ministeryo.
Isang araw kapag tayo ay nagbalik-tanaw, malalaman natin na hindi natin ito gaanong kailangan, ngunit sa oras na iyon, hindi na natin maibabalik ang oras sa lahat ng mga bagay na hindi natin nagawa. Kaya naman, mag-isip sandali kung ano ang mga dapat nating gawin natin kung tayo ay mamatay bukas. Hindi ba't parehong masaya at nakakatakot na malaman kung kailan tayo mamamatay? Walang nakakaalam ng oras. Kaya naman, matuto tayong magbantay at manalangin sa lahat ng oras. Matutong igalang at tamasahin ang buhay, at higit sa lahat, alamin natin na ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay ay ang pagluwalhati sa Panginoon sa pamamagitan ng ating pang-araw araw na buhay.
Pagninilay:
1. Naglaan ka ba ng espesyal na oras para sa isang personal na panalangin ngayon?
2. Naranasan mo na bang mahulog sa tukso ng dahil sa hindi paglalaan ng oras upang kumonekta sa Diyos sa panalangin? Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong nahulog ka na sa tukso?
Aplikasyon:
Magbantay at manalangin sa lahat ng oras – upang hindi ka mahulog sa tukso!
Scripture
About this Plan
Ang debosyonal na ito ay tutulong sa atin na maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay kay Kristo na tutulong at gagabay sa ating buhay.
More