YouVersion Logo
Search Icon

Ang Biblia ay BuhaySample

Ang Biblia ay Buhay

DAY 2 OF 7

Ang Biblia Ay Hindi Mapipigilan

Noong 1500s, ang mga Biblia ay wala pa sa maraming wika. Tanging ang mga may-aral at mayayaman lang ang may kakayahang mag-aral ng Hebreo, Griyego, o Latin.

Ngunit ang isang iskolar na nagngangalang William Tyndale ay kumbinsidong ang lahat ay may karapatang magkaroon ng Banal na Kasulatan. At doon siya nagsimulang magsalin nito sa kanyang wika: Ingles

Maraming mga awtoridad ang salungat sa ganitong ideya at sa iba pang mga paniniwala ni Tyndale, kaya tumakas siya mula sa Inglatera at paglaon ay ipinuslit ang mga kopya niya ng Bagong Tipan pabalik sa kanyang tinubuang bansa. Sa loob ng siyam na taon , si Tyndale ay nakaiwas sa pag-aresto habang ginagawa ang unang pagsasalin sa Ingles ng Biblia. Ngunit kalaunan, siya ay nadakip, kinondena sa taliwas na paniniwala, at sinunog sa tulos.  

Ngunit kapag ang Diyos ay bahagi ng isang bagay—walang makakapigil sa Kanya.

Ang sakripisyo ni Tyndale ay nagpasiklab sa lihim na kilusan na naglalayon ng pagbabago. At halos 100 taon ang nakalipas, naganap ang pagbabago. Nagkaroon ng The King James Bible sa wikang Ingles—ang bersyon na gumamit sa maraming ginawa ni Tyndale sa paunang paglabas nito.  

Sa paglipas ng panahon, ang Inglatera ay binago ng Biblia. Ang muling pagsigla at repormasyon ay naganap, ang kilusan ng pagmimisyon ay nagsimula, at ang mga samahang nakatuon sa pagsasalin ng Biblia ay nabuo. Ang Banal na Kasulatan ay bumuhay sa bansa —ngunit nagsimula ang pagbabalik ng sigla nang maniwala ang isang tao na marapat magkaroon ang lahat ng Salita Ng Diyos. … kung kaya't gumawa siya ng aksyon patungkol dito.

Paanong nakapagbigay ng inspirasyon sa iyo ang ipanakitang tapang ng mga naunang tagapagsalin ng Biblia sa iba't ibang wika? 

Ngayon, magmuni-muni sa kung ano ang mga pinagdaanan ni Tyndale, at pagkatapos, humingi sa Diyos ng paglilinaw sa kung anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang maibahagi ang Banal na Kasulatan sa mga taong nakapaligid sa iyo. Maaaring ito ay pagbabahagi ng isang talata sa isang tao, o maaring ito ay pagbibigay sa isang proyektong pagsasalin ng Biblia. 

Kahit ano pa man ito, isaalang-alang kung paanong magiging iba ang buhay mo kung sakaling hindi ka nagkaroon ng kaalaman sa Salita ng Diyos , at maging daan ng pagbabago sa buhay ng iba.

Day 1Day 3

About this Plan

Ang Biblia ay Buhay

Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.

More