Ang Biblia ay BuhaySample
Ang Biblia ay buhay
Ang Biblia ay Salita ng Diyos sa atin. Ito ay isinulat na kuwento ng Diyos na inihayag sa pamamagitan ng mga tao patungkol sa Kanyang pagkatao at ang Kanyang plano upang iligtas at baguhin ang sangkatauhan. At dahil ito ay inspirasyon mula sa Diyos, ang bawat bahagi ng Banal na Kasulatan ay may kapangyarihan na magpayo, manghikayat, at magbago sa atin.
Isipin ang panahon na naramdaman mong ang pag-iisip mo ay binago, o may nakita kang bahagi sa buhay mo na nabago. Kung ikaw ay madalas na nagbabasa o nakikinig ng Banal na Kasulatan, naranasan mo na ang kapangyarihan nitong magbigay inspirasyon, maghikayat, at maging ang hamunin ka.
Ang Biblia ay higit pa sa aralin ng nakaraan. Bagama't ito ay nagsasabi kung ano ang mga nagawa ng Diyos, ito ay nagpapakita rin sa atin kung ano pa ang gagawin Niya. Ito ay nagpapahayag ng isang kuwento na inilahad na ng Diyos sa kabuuan ng kasaysayan; isang kuwento na nais Niyang patuloy na sabihin sa pamamagitan natin.
Ang Salita ng Diyos ay kumilos na sa puso ng mga tao simula pa noong unang panahon, at ang inspirasyon nito ay nanguna sa pagbabago ng mga bayan, bansa, at mga kontinente.
Kaya ngayong linggong ito, ating ipagdiwang kung paanong Ang Biblia ay buhay at aktibo sa ating mundo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salaysay na ibinibigay ng Diyos sa mga Cristiano sa buong kasaysayan—ang salaysay na nagpapakita ng kakayahan ng Biblia na wakasan ang kadiliman, magbigay ng pag-asa, panumbalikin ang mga buhay, at baguhin ang mundo.
About this Plan
Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.
More