YouVersion Logo
Search Icon

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!Sample

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!

DAY 5 OF 7

“Maging Isang Mabisang Saksi”

Ang pagkakaalam kung papaano maging isang mabisang saksi sa ating pang-araw-araw na buhay ay nagsisimula sa pag-unawa sa nais ng Diyos na mapansin ng iba sa ating buhay. Ang maikling sagot ay siyempre, si Jesus. Ngunit ano ang ibig sabihin nito? 

Nagbigay si Jesus ng isang perpektong halimbawa kung paano tayo dapat mamuhay ayon sa nais ng Diyos. Kahit nabuhay si Jesus sa lupa sa isang mundo na naiiba sa atin ngayon, isinabuhay Niya ang buong katangian ng Diyos at nagbigay Siya ng isang mahalagang halimbawa para sa ating modernong mundo. 

Ang katangian ng Diyos ang nais Niyang palaguin sa ating buhay at mapansin ng iba. Nakakamit lamang ito sa pamamagitan ng ating personal na relasyon kay Jesus. 

Katulad ng pamumunga ng isang sanga na nananatili sa puno ng ubas upang mabuhay, gayon din sa atin na nananatili sa ating relasyon kay Jesus - mamumunga tayo - o maipapakita natin sa iba ang katangian ng Diyos sa pamamagitan ng ating buhay. 

Kapag kumikilos ang katangian ng Diyos sa atin at sa pamamagitan natin - ang Kanyang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili tayo ay nagiging mabisang saksi na nabubuhay sa ating pang-araw-araw na buhay. 

Katulad noong panahon ni Jesus, ang panlabas, aktibong pagpapahayag ng katangian ng Diyos sa pamamagitan ng ating buhay - ang bunga ng Espiritu - ay malinaw. Nakukuha nito ang atensyon ng parehong mga Kristiyano at hindi mananampalataya, at karaniwan na magtanong ang ibang tao tungkol dito. 

Maghanda. Maaaring may nagmamasid at magtatanong ito sa iyo kapag hindi mo inaasahan. Mahusay na puntong pagsisimulan ang iyong personal na patotoo sa iyong kaligtasan at ang magagandang ginagawa ng Diyos sa sarili mong buhay.  Anyayahan sila sa inyong simbahan o pagsasalo, at hikayatin sila habang sinisiyasat nila ang pakikipagrelasyon sa Diyos!

Day 4Day 6

About this Plan

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!

Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More