Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!Sample
"Mga Susi sa mga Matagumpay na Relasyon"
Ang bawat relasyon, sa isa mang kaibigan, kapamilya, asawa, o maging sa Diyos, ay may dalawang pangunahing sangkap na siyang nagdudulot ng tagumpay: ang pagmamahal at pagsinta na pinagsasaluhan ng mga indibidwal, at ang pagpapakilos sa pag-ibig na iyon sa gawa.
Ang katotohanan ay palaging sinasamahan ng pagkilos ang tunay na pag-ibig; ang isang tunay na kaibigan na nakakakita ng isang nangangailangan ay tutugon ito sa pagtulong. Totoo din ito sa ating relasyon sa Diyos. Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay sinasamahan ng pagkilos; hinihipo ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng paghipo sa buhay ng mga nakapaligid sa atin.
Ang pagsisikap na pagpahusay sa ating mga relasyon sa iba ay nagsisimula sa ating relasyon sa Diyos. Sa katunayan, hinihiling ng Diyos na ang ating mga relasyon sa iba ay maging kadugtong ng ating relasyon sa Kanya.
Bilang mga mananampalataya, ang ating relasyon sa Diyos at ang ating mga relasyon sa isa't isa ang pinakamahalaga sa Diyos – ang pagmamahal sa Kanya at pagmamahal sa iba.
Scripture
About this Plan
Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
More