Be a Peacemaker (PH)Sample
Introduce Peace
Madalas sa sobrang dami ng pinagkaka-abalahan natin sa buhay, hectic schedule, financial pressure at iba pang commitments, hindi natin namamalayan nasisira na na pala nito ‘yung totoong reason kung bakit tayo nabubuhay sa mundo. Kailangan minsan, mag pause (selah) din tayo, huminga, at mag-iba ng perspective.
Ang role mo, as an ambassador of Christ, is to bring joy, laughter, at higit sa lahat, peace. Sabi nga sa Colossians 3:15, “Let the peace of Christ rule in your hearts, since as members of one body you were called to peace. And be thankful.”
Bakit di mo i-try na i-tap ang deep well ng ating Diyos Ama? Take time to stop at i-consider kung ano nang mga nagawa ng Panginoon sa buhay mo, at ibahagi mo iyon sa iba!
Parang ang dali, no? Easier said than done. Pero why not take a minute right now?
Just stop, breathe, pasalamatan mo si Lord sa kung sino Siya, at simulan mong tumingin sa iba. Isipin mo, sino sa mga tao sa paligid mo ang nangangailangan ng encouragement, ng simpleng ngiti at hug?
If meron ka nang tao na naisip, huwag mo nang patagalin! Reach out to that person now, because sharing Jesus and sharing His peace is simply a way of gaining perspective from the Father and sharing that with others. Hindi ito one time big time; daily ito!
You are a carrier of God’s light and peace, everywhere you go, every day! Ibahagi mo si Jesus sa mundo!
Scripture
About this Plan
Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!
More