YouVersion Logo
Search Icon

Be a Peacemaker (PH)Sample

Be a Peacemaker (PH)

DAY 3 OF 5

Understand the Worldview of Others


Narinig mo na ba yung expression na, “Never bite off a man’s nose and then give him a rose to smell”? Well, in the context naman sa pag-share ng faith mo, it translates to, “Don’t attack someone and then tell them the Good News of Jesus.”


Kasi sa totoo lang nakaka-cause talaga ng discomfort ang Gospel sa mga tao na hindi nag-aagree dito. At ganoon din siyempre ang mararamdaman nila kapag direktang pinoint out mo ang hindi tamang practice sa religion ng iba o sap ag-bash ng pananaw nila sa mundo at buhay. Ang taong defensive at sagrado sa mga pinaniniwalaan nila will certainly hold ground kahit gaano pa ka-sound and true ang katotoohanan na pinepresent sa kanila. Kaya, kailangan matutunan natin ang intindihin din ang worldview ng iba lalo sa usapang faith.


Understanding doesn’t mean agreeing naman, pero it shows that you really care for the person kahit ano pang paniniwala nila, dahil you took the time na intindihin ang sinasabi nila. 


Sabi nga ng isang wise man, ““If you try to take a bone from a dog, the dog will defend his bone with all the strength he has; but if you offer him a lovely piece of meat instead, the dog will drop the bone immediately.” Parehas din sa tao, idedefend at idedefend talaga niya ang religion, opinion, at beliefs nila dahil naniniwala sila na ‘yun na ‘yung the best. Jesus is awesome! At anuman ang pinanghahawakan nila will never compare sa pagkakaroon ng personal relationshio with Jesus, hindi pa nga lang sila aware sa fact na ‘yun.


Sabi sa Proverbs 15:1, "A sensitive answer turns back wrath, but an offensive word stirs up anger."


Kaya sa susunod na makaka-encounter ka ng mga ganitong conversation, iwasan mo nalang maging argumentative at mag focus ka kay Jesus at sa ino-offer Niyang salvation through a relationship with Him!

Day 2Day 4

About this Plan

Be a Peacemaker (PH)

Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!

More