YouVersion Logo
Search Icon

Ang IpinangakoSample

Ang Ipinangako

DAY 5 OF 5

Ang Matagumpay na Kapangyarihan 

Ang Liwanag ng Sanlibutan ay dumating sa paraang mapagpakumbaba—bilang isang sanggol na isinilang sa sabsaban. Bagaman umawit ang mga anghel bilang pagbati sa kanyang pagdating, at nagsidaliang tumakbo ang mga pastol upang siya ay makita, walang kamalay-malay ang lungsod ng Bethlehem na dumating na ang Prinsipe ng Kapayapaan. 

Ngunit nang lupigin ng Liwanag ng sanlibutan ang kadiliman, ito ay nangyari upang makita ng lahat. Ang Imperyo ng Roma, ang mga relihiyoso at elitistang Hudyo, at ang libu-libong Hudyo ay nasa lungsod ng Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa. Nilitis si Jesus, nilatigo, at binitay sa publiko. Sa gitna ng kadiliman pang-pisikal at pang-espirituwal, (Lucas 23:45-46), bukal sa kalooban ni Jesus na ibinigay ang kanyang buhay upang durugin ang kapangyarihan ng kasalanan. 

Hindi pumarito si Jesus upang iligtas ang kanyang sarili kundi iligtas ang buong daigdig. Sa isang krus sa tuktok ng Bundok Moria, nakamit ang tagumpay! Nang mamatay si Jesus, napunit ang kurtina ng templo upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong maranasan ang presensiya ng Diyos. Sa pagkakataong iyon, maging ang opisyal na nagbabantay kay Jesus at nakasaksi sa kapangyarihan ng Diyos ay nagsabing, “Tunay na siya’y Anak ng Diyos.” (Mateo 27:54) 

At katulad ng sinabi ni Jesus, makaraan ang tatlong araw, siya ay nabuhay muli! Ang kanyang pagkabuhay muli ay pagpapatunay na hindi lang laban sa kasalanan siya nagtagumpay kundi maging sa kamatayan. Tuluyang nalupig magpakailanman ang kamatayan, at ngayo’y maaari na nating ihayag ang sinabi sa Isaias 25:9 

“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati’y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo’y kanyang iniligtas.” 

Ang ating maluwalhating Diyos ay nagtagumpay na! Sa pamamagitan ng kapanganakan, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus, Siya ay may alok na kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang mensahe ng Pasko. Ito ang dahilan kung bakit dumating ang Liwanag—upang hindi na tayo muling pagharian ng kadiliman at kamatayan. Dahil kay Cristo, tayo ay pinatawad na! 

Anu-ano ang mga kasalanang napagtagumpayan na ni Jesus sa iyong buhay? Naipagsabi mo na ba sa iba ang tungkol sa matagumpay na kapangyarihan ni Jesus? 

Day 4

About this Plan

Ang Ipinangako

Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.

More