YouVersion Logo
Search Icon

Ang IpinangakoSample

Ang Ipinangako

DAY 2 OF 5

Pagpupuri sa Tumutupad ng Pangako 

Naranasan mo na bang mapangakuan at hindi ito tinupad? Ang pangako ay kasing ganda lamang ng katangian ng nangangako.  

Tulad ng ginawa ng Diyos kay Zacarias, ipinadala Niya si Gabriel kay Maria upang ibalita ang pangako ng mapaghimalang sanggol. Ngunit ito’y hindi tugon sa panalangin ni Maria. Ito ay katuparan ng Diyos sa Kanyang mga salita. 

“Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.” Isaias 7:14 

Ang kapanganakan ni Jesus ay katuparan ng mga pangako at propesiyang inihayag sa loob ng maraming siglo. Ang mga salita ng Diyos sa Genesis ay natupad na sa katauhan ni Maria. Tinupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako dahil Siya at tapat at totoo. Ang sanggol ni Maria na dulot ng himala ay ang kaisa-isang Anak ng Diyos! 

Tumugon si Maria sa pagpapala ng Diyos ng may pananampalataya at papuri. May pananampalataya sa kanyang sagot kay Gabriel: “Sumagot si Maria, ‘Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.’ Pagkatapos, umalis na ang anghel.” (Lucas 1:38) at pagpupuri sa tulang awit na kanyang isinulat nang siya’y nagalak kasama si Elisabet. 

Pansinin natin ang katangian ng Diyos sa tulang awit ni Maria. Ang Diyos ay mahabagin (Lucas 1:50, 54) at malakas (Lucas 1:51). Itinataas ng Diyos ang mga nasa abang kalagayan (Lucas 1:52) at pinasasagana ang mga kapus-palad (Lucas 1:53). Naalala ng Diyos ang Kanyang mga pangako kay Abraham at sa kanyang mga inapo. Sa pamamagitan ni Maria, tinupad ng Diyos ang kanyang salita na Siya ay magbibigay ng daan tungo sa kaligtasan. Ipinadala Niya ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu Cristo. 

Paano ka tutugon sa Salita ng Diyos at sa Kanyang mga pangako? Mayroon ka bang pag-aalinlangan o pipiliin mo ba ang pananampalataya at pagpupuri? 

Panalangin sa araw na ito: 

Panginoon, maraming salamat sa inyong mga pangako. Ang lahat ng inyong salita ay matutupad dahil kayo ay tapat. Tulungan po ninyo akong makita ang inyong katangian. Bigyan po ninyo ako ng pananampalataya upang ako ay maniwala sa inyo at tumugon ng may papuri. Amen. 

Day 1Day 3

About this Plan

Ang Ipinangako

Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.

More