Logotipo da YouVersion
Ícone de Pesquisa

Mga Awit 113

113
Awit ng Pagpupuri kay Yahweh
1Purihin si Yahweh!
Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.
2Ang kanyang pangalan ay papupurihan,
magmula ngayo't magpakailanman,
3buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.
4Siya'y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.
5Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh,
na sa kalangitan doon nakaluklok?
6Buhat sa itaas siya'y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.
7Mula kapanglawa'y itong mahihirap,
kanyang itinataas, kanyang nililingap.
8Sa mga prinsipe ay isinasama,
sa mga prinsipe nitong bayan niya.
9Ang babaing baog pinagpapala niya,
binibigyang anak para lumigaya.
Purihin si Yahweh!

Atualmente Selecionado:

Mga Awit 113: RTPV05

Destaque

Compartilhar

Copiar

None

Quer salvar seus destaques em todos os seus dispositivos? Cadastre-se ou faça o login