YouVersion logo
Ikona pretraživanja

Mahalaga ang Pamilya Muna Primjer

Mahalaga ang Pamilya Muna

Dan 7 od 7

FRIENDS O KAIBIGAN

Tila importante sa Diyos na nagagawa nating bumuo ng mabuting pakikipagkaibigan. Mayroon tayong mga halimbawa nito sa Biblia - Sina David at Jonatan, Sina Jesus at Lazaro, Sina Pablo at Bernabe. Inilalarawan ng Biblia ang pagkakaibigan sa MGA KAWIKAAN 27:6 "May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan..." Kailangan natin ng mga kaibigang may mabuting impluwensya satin, mga kaibigang kasundo natin at mga katangiang pareho satin.

Eto yung mga kaibigang magpapasigla satin at tutulong satin na lumago espiritwal. Ang totoong kaibigan ay magiging tapat satin kahit na masakit, sila ang magsasabi satin ng kailangan nating marinig hindi lang para bolahin tayo, pero may mga oras na kailangan nating maging deretsahan, gawin o planong gawin. Ang mga kaibigan ay maasahan at dapat tayong humingi ng kanilang payo. Gumagawa tayo ng mga desisyon at ang mga payo ng mga kaibigan natin ay makakatulong para makagawa tayo ng matalino at mainam na desisyon.

Si Jesus ay piniling magkaroon ng mga kaibigan habang tinatapos Niya ang kanyang ministeryo sa lupa. Sa 3 taon, namuhay silang magkakasama, kumain nang magkakasama, naglakbay nang magkakama, nagdiwang nang magkakasama at kahit sa pagluluksa'y magkakasama. Ang katotohanan ay ang mga kaibigang pinili ni Jesus ay pawang mga ordinaryo ngunit mga totoong tao at hindi mga impluwensyal, edukado at mayayaman. Yun ang tunay na pagkakaibigan.

Pumipili tayo ng mga kaibigan base kung sino sila bilang tao at hindi sa panlabas nila. Sinabi ni Jesus sa JUAN 15.13 na ang totoong kaibigan ay handang ibigay ang kanilang buhay para sayo. Tayo'y kaibigan ni Jesus at binigay Niya ang Kanyang buhay sa krus dala ang ating mga kasalanan.

Sveto pismo

Dan 6

O planu čitanja

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.

More