GENESIS 5
5
Ang mga Naging Anak ni Adan
(1 Cro. 1:1-4)
1Ito#Gen. 1:27, 28 ang aklat ng mga salinlahi ni Adan. Nang lalangin ng Diyos ang tao, siya ay nilalang sa wangis ng Diyos.
2Lalaki#Mt. 19:4; Mc. 10:6 at babae silang nilalang, at sila'y binasbasan at tinawag na Adan ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.
3Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon, at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set.
4Ang mga naging araw ni Adan pagkatapos na maipanganak si Set ay walong daang taon; at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.
5Ang lahat ng mga araw ng naging buhay ni Adan ay siyamnaraan at tatlumpung taon at siya'y namatay.
6Nabuhay si Set ng isandaan at limang taon at naging anak niya si Enos.
7Nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
8Ang lahat na naging araw ni Set ay siyamnaraan at labindalawang taon at siya'y namatay.
9Nabuhay si Enos ng siyamnapung taon at naging anak niya si Kenan.
10Si Enos ay nabuhay pagkatapos na maipanganak si Kenan ng walong daan at labinlimang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
11Ang lahat na naging araw ni Enos ay siyamnaraan at limang taon at siya'y namatay.
12Nabuhay si Kenan ng pitumpung taon at naging anak niya si Mahalalel.
13Nabuhay si Kenan pagkatapos na maipanganak si Mahalalel ng walong daan at apatnapung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
14Ang lahat na naging araw ni Kenan ay siyamnaraan at sampung taon at siya'y namatay.
15Nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Jared.
16At nabuhay si Mahalalel pagkatapos na maipanganak si Jared ng walong daan at tatlumpung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
17Ang lahat na naging araw ni Mahalalel ay walong daan at siyamnapu't limang taon at siya'y namatay.
18Nabuhay si Jared ng isandaan at animnapu't dalawang taon at naging anak niya si Enoc.
19Nabuhay si Jared pagkatapos na maipanganak si Enoc ng walong daang taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
20Ang lahat na naging araw ni Jared ay siyamnaraan at animnapu't dalawang taon at siya'y namatay.
21Nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Matusalem.
22Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos, pagkatapos na maipanganak si Matusalem ng tatlong daang taon, at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.
23At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at animnapu't limang taon.
24Lumakad#Heb. 11:5 si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.
25Nabuhay si Matusalem ng isandaan at walumpu't pitong taon at naging anak niya si Lamec.
26Nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec ng pitong daan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
27Ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyamnaraan at animnapu't siyam na taon at siya'y namatay.
28Nabuhay si Lamec ng isandaan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak ng isang lalaki.
29Tinawag niya ang kanyang pangalan na Noe, na sinabi, “Ito ang magbibigay sa atin ng ginhawa mula sa ating gawa at sa pagpapagod ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon.”
30Nabuhay si Lamec pagkatapos na maipanganak si Noe ng limang daan at siyamnapu't limang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.
31Ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitumpu't pitong taon at namatay.
32Nang si Noe ay may limang daang taon, naging anak niya sina Sem, Ham, at Jafet.
હાલમાં પસંદ કરેલ:
GENESIS 5: ABTAG01
Highlight
શેર કરો
નકલ કરો
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001