JUAN 13
13
1Bago nga #Juan 12:1, 12, 20. magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya #Juan 17:11. na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.
2At habang humahapon, nang mailagay na #Juan 6:70; Mat. 26:14; Mar. 14:10. ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.
3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,
4Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.
5Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.
6Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?
7Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.
8Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, #Juan 3:5; 1 Cor. 6:11. Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.
9Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, #Luc. 5:8. Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.
10Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.
11Sapagka't #Juan 6:64. nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.
12Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?
13Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.
14Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, #1 Tim. 5:10. kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.
15Sapagka't kayo'y binigyan ko ng #Mat. 11:29. halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
16Katotohanan, #Juan 15:20. katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.
17Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.
18 # tal. 10, 11. Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, #Awit 41:9. Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
19Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo #Juan 14:29. bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya #Juan 8:24. na ako nga.
20Katotohanan, #Mat. 10:40. katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
21Nang masabing gayon ni Jesus, #Juan 11:33. siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, #Mat. 26:21; Mar. 14:18. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.
22Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.
23Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, #Juan 19:26; 20:2; 21:7, 20. na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.
24Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.
25Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?
26Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at #Mat. 26:25. ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.
27At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay #tal. 2; Luc. 22:3. pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.
28Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.
29Sapagka't iniisip ng ilan, na #Juan 12:6. sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan #tal. 1. sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.
30Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.
31Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay #Juan 7:39. niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang #Juan 14:13; 17:4. Dios ay niluluwalhati sa kaniya:
32At luluwalhatiin siya ng #Juan 17:5. Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.
33Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at #Juan 7:34, 36; 8:21. gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.
34 #
1 Juan 2:7, 8. isang bagong utos ang #Juan 15:12, 17; Lev. 19:18. sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
35Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao #1 Juan 2:5; 4:20. na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
36Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, #tal. 33; Juan 14:5. saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: #Juan 21:18, 19; 2 Ped. 1:14. nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.
37Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? #Mat. 26:33, 34; Mar. 14:29, 30, 31. Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.
38Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok #Juan 18:27. ang manok, #Juan 21:17. hanggang ikaila mo akong makaitlo.
Právě zvoleno:
JUAN 13: ABTAG
Zvýraznění
Sdílet
Kopírovat
Chceš mít své zvýrazněné verše uložené na všech zařízeních? Zaregistruj se nebo se přihlas
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982