JUAN 14
14
1Huwag magulumihanan ang inyong puso: #Juan 16:6, 22, 23. magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, #tal. 18, 28; Gawa 1:11. ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
4At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.
5 #
Juan 11:16. Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, #Juan 13:36. hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
6Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako #Heb. 10:20; Ef. 2:18. ang daan, at #Juan 1:17. ang katotohanan, at #Juan 11:25. ang buhay: #Juan 10:9. sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
8Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? #Juan 10:30; 12:45; Heb. 1:3. ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
10Hindi ka baga nananampalataya na #Juan 10:38. ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y #Juan 5:19. hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: #Juan 5:36. o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
12Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
13 #
Juan 15:7, 16; 16:23, 24; Mat. 7:7. At ang anomang inyong hingin #Ef. 2:18. sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
15Kung ako'y inyong iniibig, #Juan 5:3. ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16At ako'y dadalangin sa Ama, at #tal. 26; Juan 15:26; 16:7. kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu #Juan 15:26; 16:13. ng katotohanan: #1 Cor. 2:14. na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18Hindi ko kayo iiwang #Mat. 28:20. magisa: ako'y paririto sa inyo.
19Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't #Juan 16:16. inyong makikita ako: #1 Cor. 15:20. sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 #
Juan 16:23, 26. Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22Si #Luc. 6:16; Gawa 1:13. Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, #Apoc. 3:20. at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26Datapuwa't #tal. 16. ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y #Luc. 24:49; Juan 15:26; Gawa 2:33. ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, #Juan 2:22; 12:16; 16:13; 1 Juan 2:20, 27. siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 #
Luc. 24:36; Juan 20:19, 26. Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; #Juan 16:33; Fil. 4:7; Col. 3:15. ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa #tal. 12. ako'y pasasa Ama: sapagka't #Juan 10:30; Fil. 2:6. ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, #Juan 12:31. sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at #Juan 10:18; Heb. 5:8. ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Právě zvoleno:
JUAN 14: ABTAG
Zvýraznění
Sdílet
Kopírovat
Chceš mít své zvýrazněné verše uložené na všech zařízeních? Zaregistruj se nebo se přihlas
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982