YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 84

84
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
1Kay #Awit 27:4. iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 # Awit 42:1, 2. Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3Oo, #Kaw. 26:2. ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 # Awit 65:4. Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang #Awit 42:5, 11. palagi. (Selah)
5Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 # Is. 40:31; Juan 1:16; 2 Cor. 3:18. Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay #Awit 42:2. napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9Masdan mo, #Gen. 15:1. Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng #Awit 61:6. iyong pinahiran ng langis.
10Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11Sapagka't ang Panginoong Dios #Is. 60:19, 20. ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
# Awit 34:11, 12. Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12Oh Panginoon ng mga hukbo,
# Awit 2:12. Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

Currently Selected:

MGA AWIT 84: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in