YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 83

83
Awit, Salmo ni Asaph.
1Oh #Awit 28:1; Is. 62:7. Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
2Sapagka't #Awit 2:1; Gawa 4:25. narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
3Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian #Awit 27:5. laban sa iyong nangakakubli.
4Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang #Est. 3:6, 9; Awit 74:8; Jer. 31:36. ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
5Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
6 # 2 Cron. 20:1, 10, 11. Ang mga tolda ng Edom at ng mga #Gen. 25:18. Ismaelita;
Ang Moab at ang mga #1 Cron. 5:10. Agareno;
7Ang #Jos. 13:5. Gebal, at ang Ammon, at ang #1 Sam. 15:2. Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
8Pati ng #2 Hari 15:19. Asiria ay nalalakip sa kanila;
# Is. 33:2. Kanilang tinulungan ang #Deut. 2:9. mga anak ni Lot.
9Gumawa ka sa kanila ng gaya #Huk. 7:22. sa Madianita;
Gaya #Huk. 4:15. kay Sisara, gaya kay Jabin, sa #Huk. 4:7. ilog ng Cison:
10Na nangamatay sa Endor; #2 Hari 9:37. Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya #Huk. 7:25. ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni #Huk. 8:5, 6, 12, 21. Zeba at ni Zalmuna;
12Na siyang nagsipagsabi, #2 Cron. 20:11. Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 # Is. 17:13. Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
# Awit 1:4; 35:5. Parang dayami sa harap ng hangin.
14Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 # Awit 35:4, 26. Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 # Awit 59:13. Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na #Ex. 6:3. ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Currently Selected:

MGA AWIT 83: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in