YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 149

149
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan #Awit 89:5; 111:1. sa kapisanan ng mga banal.
2 # Job 35:10; Awit 85:6; 95:6. Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 # 1 Cron. 16:31; Ex. 15:20. Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
# Is. 61:3. Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
# Awit 63:6. Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At #Heb. 4:12; Apoc. 1:16; 2:12. tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9Upang magsagawa sa kanila ng hatol na #Is. 65:6. nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Currently Selected:

MGA AWIT 149: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in