YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 148

148
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 # Awit 103:20, 21. Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
# Gen. 1:7. At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't #Gen. 1:7. siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 # Awit 119:90, 91; Jer. 31:35, 36. Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na #Awit 147:15, 18. gumaganap ng kaniyang salita:
9 # Is. 44:23. Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, #Ef. 1:17. na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Currently Selected:

MGA AWIT 148: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in