YouVersion Logo
Search Icon

MGA KAWIKAAN 3

3
Payo upang matakot, magtiwala, at sumunod sa Panginoon. Ang ganting pala ng karunungan.
1Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan;
# Deut. 8:1; 30:16, 20. Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2Sapagka't #Awit 91:16. karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay,
At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:
# Ex. 13:9, 16; Deut. 6:8; Kaw. 6:21; 7:3. Itali mo sa palibot ng iyong leeg;
# Jer. 17:1; 2 Cor. 3:3. Ikintal mo sa iyong puso:
4 # Awit 111:10. Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan,
Sa paningin ng Dios at ng tao.
5 # Awit 37:3, 5. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,
# Jer. 9:23. At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad,
At kaniyang #Jer. 10:23. ituturo ang iyong mga landas.
7 # Rom. 12:16. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;
Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8Magiging kagalingan sa iyong pusod,
At utak sa iyong mga buto.
9 # Ex. 22:29; Mal. 3:10. Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik,
At ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana,
At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11Anak ko, #Heb. 12:15; Apoc. 3:19. huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon;
Ni mayamot man sa kaniyang saway:
12Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig:
# 1 Cor. 11:32. Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
13Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,
At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14 # Job 26:15-17; Awit 19:10; Kaw. 2:4; 8:11. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,
At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15Mahalaga nga kay sa mga rubi;
At wala #Mat. 13:44. sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya,
Sa kaniyang kaliwang kamay ay #Kaw. 8:18. mga kayamanan at karangalan.
17 # Mat. 11:29, 30. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan,
At lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18Siya ay #Gen. 2:9; 3:22. punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya:
At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya.
19Nilikha ng #Awit 104:5, 24; 136:5; Kaw. 8:27; Jer. 10:12. Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan;
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20 # Gen. 1:9. Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman,
At ang mga alapaap ay nagsipatak ng #Deut. 33:28. hamog.
21Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa,
At #Kaw. 1:9. biyaya sa iyong leeg.
23 # Awit 37:24; Kaw. 10:9. Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay,
At ang iyong paa ay hindi matitisod.
24 # Lev. 26:6; Awit 3:5; 4:8. Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot:
Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25 # Awit 91:5; 1 Ped. 3:14. Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot,
Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala,
At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
27 # Gal. 6:10. Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,
Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
28 # Lev. 19:13. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli,
At bukas ay magbibigay ako;
Pagka ikaw ay mayroon.
29Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa,
Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.
30 # Rom. 12:18. Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan,
Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31 # Awit 37:1. Huwag kang managhili sa taong marahas,
At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
# Job 29:4. Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
33 # Lev. 26:14-43; Awit 37:21. Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;
Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,
# Sant. 4:6; 1 Ped. 5:5. Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;
Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.

Currently Selected:

MGA KAWIKAAN 3: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in