YouVersion Logo
Search Icon

MGA KAWIKAAN 2

2
Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.
1Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
# Kaw. 4:21. At tataglayin mo ang aking mga utos;
2Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
3Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4 # Kaw. 3:14; Mat. 13:44. Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
5Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
6Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
7Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
# Awit 84:9. Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
8Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At #1 Sam. 2:9; Awit 66:9. maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
9Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
# Juan 3:19, 20. Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14Na #Kaw. 10:23; Jer. 11:15. nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At #Rom. 1:32. nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 # Kaw. 5:3, 20; 6:24. Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 # tal. 2, 14, 25. Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18Sapagka't ang #Kaw. 7:27. kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 # Awit 37:9. Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain,
At ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 # Awit 37:38. Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain,
At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.

Currently Selected:

MGA KAWIKAAN 2: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in