SANTIAGO 5
5
1 # Sant. 4:19. Magsiparito #Luc. 6:24. ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating.
2Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang #Mat. 6:20. inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga.
3Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. #Rom. 2:5. Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan #tal. 8, 9. sa mga huling araw.
4Narito, ang kaupahan #Lev. 19:13; Jer. 22:13. ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at #Deut. 24:15. ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng #Rom. 9:20. mga hukbo.
5Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa #Jer. 12:3. araw ng patayan.
6 #
Sant. 2:6. Inyong hinatulan, #Sant. 4:2. inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan.
7Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa #1 Tes. 2:10; 1 Ped. 4:7. pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang #Deut. 11:14. maaga at huli.
8Mangagtiis din naman kayo; #1 Tes. 3:13. pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.
9Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom #1 Ped. 5:5; Apoc. 22:12. ay nakatayo sa harapan ng mga pinto.
10 #
Mat. 5:12. Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon.
11Narito, #Mat. 5:10; 10:22. tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan #Job 1:21, 22; 2:10. ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita #Job 42:10, 12. ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon.
12Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay #Mat. 5:34-37. huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol.
13Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? #Ef. 5:19. awitin niya ang mga pagpupuri.
14May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya #Gawa 11:30. ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, #Mar. 6:13. na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:
15At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; #Is. 33:24; Mat. 9:2. at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.
16Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa #1 Tim. 2:1. ng maningas #Blg. 11:2; Deut. 9:18, 20; 1 Sam. 12:18; 1 Hari 17:20; 2 Hari 4:33; 19:15-20; 20:2-5. na panalangin ng taong matuwid.
17Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; #1 Hari 17:1. at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.
18At muli siyang nanalangin; at ang langit ay #1 Hari 18:42, 45. nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga.
19Mga kapatid ko, #Mat. 18:15. kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman;
20Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at #Awit 32:1; 1 Ped. 4:8. magtatakip ng karamihang kasalanan.
Currently Selected:
SANTIAGO 5: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982