YouVersion Logo
Search Icon

SANTIAGO 4

4
1Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga #Luc. 8:14. kalayawan #1 Ped. 2:11. na bumabaka sa inyong mga sangkap?
2Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: #Sant. 5:6. kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.
3Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, #Rom. 8:26. sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
4Kayong #Mat. 12:39. mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na #Mat. 6:24; 1 Juan 2:15. ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? #Juan 15:19. Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
5O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang #Gen. 6:5. Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
6Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang #Kaw. 3:34; 1 Ped. 5:5. Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
7Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
8Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at #1 Ped. 1:22. dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga #Sant. 1:8. may dalawang akala.
9Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.
10Mangagpakababa kayo #1 Ped. 5:6. sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
11 # 1 Ped. 2:1. Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, #Mat. 7:1. o humahatol sa kaniyang kapatid, ay #Sant. 2:8. nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at #Mat. 10:28. makapagwawasak: datapuwa't #Rom. 14:4. sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
13 # Sant. 5:1. Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, #Luc. 12:18-20. Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
14Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? #Job 7:7. Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
15Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.
16Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: #1 Cor. 5:6. ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.
17 # Juan 9:41; 15:22. Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

Currently Selected:

SANTIAGO 4: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in