HEBREO 1
1
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1Noong unang panahon, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2subalit sa mga huling araw na ito ay nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak, na kanyang itinalagang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din niya'y ginawa ang mga sanlibutan.
3Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos#1:3 Sa Griyego ay niya. at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan,
4palibhasa'y naging higit na mataas kaysa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng higit na marilag na pangalan kaysa kanila.
Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel
5Sapagkat#Awit 2:7; 2 Sam. 7:14; 1 Cro. 17:13 kanino sa mga anghel sinabi ng Diyos#1:5 Sa Griyego ay niya. kailanman,
“Ikaw ay aking Anak,
ako ngayon ay naging iyong Ama?”
At muli,
“Ako'y magiging kanyang Ama,
at siya'y magiging aking Anak?”
6At#Deut. 32:43 (LXX) muli, nang kanyang dinadala ang panganay sa daigdig ay sinasabi niya,
“Sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Diyos.”
7Tungkol#Awit 104:4 (LXX) sa mga anghel ay sinasabi niya,
“Ginagawa niyang mga hangin ang mga anghel,
at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”
8Ngunit,#Awit 45:6, 7 tungkol naman sa Anak ay sinasabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
at ang setro ng katuwiran ang siyang setro ng iyong kaharian.
9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
kaya't ang Diyos, ang Diyos mo, ay binuhusan ka
ng langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”
10At,#Awit 102:25-27 (LXX)
“Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang saligan ng lupa,
at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay;
11sila'y mapaparam, subalit ikaw ay nananatili,
at silang lahat ay malulumang gaya ng kasuotan;
12gaya ng isang balabal sila'y iyong ilululon,
at gaya ng damit, sila ay mapapalitan.
Ngunit ikaw ay ikaw pa rin,
at ang iyong mga taon ay hindi magwawakas.”
13Ngunit#Awit 110:1 kanino sa mga anghel sinabi niya kailanman,
“Maupo ka sa aking kanan,
hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa?”
14Hindi ba silang lahat ay mga espiritung nasa banal na gawain, na sinugo upang maglingkod sa kapakanan ng mga magmamana ng kaligtasan?
Currently Selected:
HEBREO 1: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001