1
HEBREO 1:3
Ang Biblia, 2001
Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan
Compare
Explore HEBREO 1:3
2
HEBREO 1:1-2
Noong unang panahon, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, subalit sa mga huling araw na ito ay nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak, na kanyang itinalagang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din niya'y ginawa ang mga sanlibutan.
Explore HEBREO 1:1-2
3
HEBREO 1:14
Hindi ba silang lahat ay mga espiritung nasa banal na gawain, na sinugo upang maglingkod sa kapakanan ng mga magmamana ng kaligtasan?
Explore HEBREO 1:14
4
HEBREO 1:10-11
At, “Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang saligan ng lupa, at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay; sila'y mapaparam, subalit ikaw ay nananatili, at silang lahat ay malulumang gaya ng kasuotan
Explore HEBREO 1:10-11
Home
Bible
Plans
Videos