YouVersion Logo
Search Icon

I MGA CRONICA 27

27
Mga Punong-Kawal
1Ito ang talaan ng sambayanan ng Israel, samakatuwid ay ang mga pinuno ng mga sambahayan, ang mga pinunong-kawal ng libu-libo at daan-daan, at ang kanilang mga pinuno na naglingkod sa hari, sa mga bagay tungkol sa mga pangkat na pumapasok at lumalabas, buwan-buwan sa buong taon, ang bawat pangkat ay dalawampu't apat na libo:
2Sa unang pangkat na para sa unang buwan, ang tagapamahala ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
3Siya'y mula sa mga anak ni Perez at pinuno ng lahat ng punong-kawal ng hukbo para sa unang buwan.
4Sa pangkat na para sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at sa kanyang pangkat ay si Miclot ang tagapamahala, at ang kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
5Ang ikatlong punong-kawal na para sa ikatlong buwan ay si Benaya, na anak ng paring si Jehoiada na siyang pinuno; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
6Ito ang Benaya na magiting na lalaki sa tatlumpu, at pinuno sa tatlumpu; ang pinuno sa kanyang pangkat ay si Amisabad na kanyang anak.
7Ang ikaapat na punong-kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kanyang kapatid ang kasunod niya, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
8Ang ikalimang punong-kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhuth na Izrahita, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
9Ang ikaanim, para sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Ikkes na Tekoita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
10Ang ikapito, para sa ikapitong buwan ay si Heles na Pelonita, mula sa mga anak ni Efraim, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
11Ang ikawalo, para sa ikawalong buwan ay si Shibecai na Husatita, mula sa mga Zeraita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
12Ang ikasiyam, para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na taga-Anatot, isang Benjaminita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
13Ang ikasampu, para sa ikasampung buwan ay si Maharai na taga-Netofa mula sa mga Zeraita, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
14Ang ikalabing-isa, para sa ikalabing-isang buwan ay si Benaya na taga-Piraton, mula sa mga anak ni Efraim, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
15Ang ikalabindalawa, para sa ikalabindalawang buwan ay si Heldai na Netofatita, mula kay Otniel, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.
Mga Tagapamahala sa mga Lipi
16Ang mga tagapamahala sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer na anak ni Zicri, ang punong-tagapamahala; sa mga Simeonita, si Shefatias na anak ni Maaca.
17Sa Levi, si Hashabias, na anak ni Kemuel; kay Aaron, si Zadok;
18sa Juda, si Elihu, isa sa mga kapatid ni David; sa Isacar, si Omri na anak ni Micael;
19sa Zebulon, si Ismaias na anak ni Obadias; sa Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel.
20Sa mga anak ni Efraim, si Hosheas na anak ni Azazias; sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaya,
21sa kalahating lipi ni Manases sa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias; sa Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner.
22Sa Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Ito ang mga pinuno ng mga lipi ng Israel.
23Ngunit#Gen. 15:5; 22:17; 26:4 hindi isinama ni David sa pagbilang ang mula sa dalawampung taong gulang pababa, sapagkat ipinangako ng Panginoon na kanyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.
24Si#2 Sam. 24:15; 1 Cro. 21:1-14 Joab na anak ni Zeruia ay nagpasimulang bumilang, ngunit hindi natapos; gayunma'y dumating sa Israel ang poot dahil dito, at hindi ipinasok ang bilang sa mga talaan ni Haring David.
Ang mga Ingat-yaman ni Haring David
25Ang namahala sa mga kabang-yaman ng hari ay si Azmavet na anak ni Adiel. Ang ingat-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, sa mga nayon, at sa mga tore ay si Jonathan na anak ni Uzias.
26Ang namahala sa gumagawa sa bukirin at pagbubungkal ng lupa ay si Ezri na anak ni Kelub.
27Sa mga ubasan ay si Shimei na Ramatita, at sa mga ani sa mga ubasan para sa mga imbakan ng alak ay si Zabdi na Sifmita.
28Sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nasa Shefela ay si Baal-hanan na Gederita, at sa mga imbakan ng langis ay si Joas.
29Sa mga bakahan na ipinapastol sa Sharon ay si Sitrai na Sharonita, at sa mga bakahan na nasa mga libis ay si Shafat na anak ni Adlai.
30Sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita, at sa mga babaing asno ay si Jehedias na Meronotita, at sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.
31Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga ari-arian ni Haring David.
Ang mga Tagapayo ni David
32Si Jonathan na amain ni David ay isang tagapayo, lalaking matalino, at isang eskriba; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay lingkod sa mga anak ng hari.
33Si Ahitofel ang tagapayo ng hari; at si Husai na Arkita ang kaibigan ng hari.
34Kasunod ni Ahitofel ay si Jehoiada na anak ni Benaya, at gayundin ni Abiatar. Si Joab ang punong-kawal sa hukbo ng hari.

Currently Selected:

I MGA CRONICA 27: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for I MGA CRONICA 27