LUCAS 22

22
Ang Pakana Laban kay Jesus
(Mt. 26:1-5; Mc. 14:1, 2; Jn. 11:45-53)
1Ang#Exo. 12:1-27 pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskuwa, ay papalapit na.
2Naghahanap ng paraan ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila maipapapatay si Jesus#22:2 Sa Griyego ay siya. sapagkat natatakot sila sa mga tao.
Sumang-ayon si Judas na Ipagkanulo si Jesus
(Mt. 26:14-16; Mc. 14:10, 11)
3Pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na isa sa labindalawa.
4Siya'y umalis at nakipag-usap sa mga punong pari at mga punong-kawal kung paanong kanyang maipagkakanulo siya sa kanila.
5At sila'y natuwa at nagkasundong bigyan siya ng salapi.
6Kaya't pumayag siya at humanap ng tamang pagkakataon upang kanyang maipagkanulo siya sa kanila na hindi kaharap ang maraming tao.
Ang Paghahanda para sa Paskuwa
(Mt. 26:17-25; Mc. 14:12-21; Jn. 13:21-30)
7Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na noon ay kailangang ihandog ang kordero ng Paskuwa.
8Kaya't isinugo ni Jesus#22:8 Sa Griyego ay niya. sina Pedro at Juan, na sinasabi, “Humayo kayo at ihanda ninyo ang paskuwa para sa atin, upang ating kainin ito.”
9At kanilang sinabi sa kanya, “Saan mo gustong ihanda namin ito?”
10At kanyang sinabi sa kanila, “Narito, pagpasok ninyo sa lunsod ay sasalubungin kayo ng isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kanyang papasukan.
11At sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Sinasabi ng Guro sa iyo, “Saan ang silid para sa panauhin na doon ay aking kakainin ang Paskuwa na kasalo ng aking mga alagad?”’
12Ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na may mga kagamitan. Doon kayo maghanda.”
13At humayo sila, at natagpuan ito ayon sa sinabi niya sa kanila, at inihanda nila ang Paskuwa.
Ang Hapunan ng Panginoon
(Mt. 26:26-30; Mc. 14:22-26; 1 Cor. 11:23-25)
14Nang dumating ang oras ay naupo siya sa hapag, at ang mga apostol ay kasama niya.
15Sinabi niya sa kanila, “Pinakahahangad kong kainin na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago ako magdusa,
16sapagkat sinasabi ko sa inyo, ito'y hindi ko kakainin#22:16 Sa ibang mga kasulatan ay hindi ko ito muling kakainin. hanggang sa ito'y ganapin sa kaharian ng Diyos.”
17At siya'y tumanggap ng isang kopa at nang siya'y makapagpasalamat, sinabi niya, “Kunin ninyo ito, at inyong paghati-hatian.
18Sapagkat sinasabi ko sa inyo, na mula ngayon ay hindi na ako iinom ng katas ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos.”
19At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito'y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”
20Gayundin#Jer. 31:31-34 naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.#22:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga talatang 19-20.
21Subalit#Awit 41:9 tingnan ninyo, ang nagkakanulo sa akin ay kasama ko, at ang kamay niya ay nasa hapag.
22Sapagkat ang Anak ng Tao ay patungo ayon sa itinakda, subalit kahabag-habag ang taong nagkakanulo sa kanya!”
23At sila'y nagsimulang magtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa nito.
Ang Pagtatalu-talo tungkol sa Kadakilaan
24Nagkaroon#Mt. 18:1; Mc. 9:34; Lu. 9:46 ng isang pagtatalu-talo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ituturing na pinakadakila.
25At#Mt. 20:25-27; Mc. 10:42-44 kanyang sinabi sa kanila, “Ang mga hari ng mga Hentil ay nagpapapanginoon sa kanila; at ang mga may awtoridad sa kanila'y tinatawag na mga tagapagpala.
26Subalit#Mt. 23:11; Mc. 9:35 sa inyo'y hindi gayon. Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ang maging pinakabata at ang pinuno ang siyang naglilingkod.
27Sapagkat#Jn. 13:12-15 alin ang higit na dakila, ang nakaupo ba sa hapag, o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakaupo sa hapag? Subalit ako'y kasama ninyo na gaya ng isang naglilingkod.
28“Kayo'y yaong patuloy na kasama ko sa mga pagsubok sa akin.
29At inilalaan ko sa inyo kung paanong ang Ama ay naglaan para sa akin ng isang kaharian,
30upang#Mt. 19:28 kayo'y kumain at uminom sa aking hapag sa kaharian ko, at kayo'y umupo sa mga trono, na hinuhukuman ang labindalawang lipi ni Israel.”
Sinabi ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro
(Mt. 26:31-35; Mc. 14:27-31; Jn. 13:36-38)
31“Simon, Simon, narito, hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo,
32subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid.”
33At sinabi niya sa kanya, “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”
34Sinabi ni Jesus,#22:34 Sa Griyego ay niya. “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, ang manok ay hindi titilaok sa araw na ito hanggang hindi mo ako naipagkakaila ng tatlong ulit.”
Walang Supot, Pagkain, Sandalyas
35At#Mt. 10:9, 10; Mc. 6:8, 9; Lu. 9:3; 10:4 sinabi niya sa kanila, “Nang kayo'y suguin ko na walang supot ng salapi, o supot ng pagkain, at mga sandalyas, kinulang ba kayo ng anuman?” At kanilang sinabi, “Hindi.”
36Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayundin ang supot ng pagkain. At ang walang tabak ay ipagbili niya ang kanyang balabal, at bumili ng isang tabak.
37Sapagkat#Isa. 53:12 sinasabi ko sa inyo na ang kasulatang ito ay kailangang matupad sa akin, ‘At ibinilang siya sa mga suwail’; sapagkat ang nasusulat tungkol sa akin ay natutupad.”
38At sinabi nila, “Panginoon, tingnan ninyo, narito ang dalawang tabak.” Sinabi naman niya sa kanila, “Tama na iyan.”
Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo
(Mt. 26:36-46; Mc. 14:32-42)
39At siya'y lumabas at pumaroon, gaya ng kanyang nakaugalian, sa bundok ng mga Olibo at sumunod naman sa kanya ang mga alagad.
40Nang siya'y dumating sa pook na iyon, ay sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa panahon ng pagsubok.”#22:40 o tukso.
41Siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang pukol ng bato. Siya'y lumuhod at nanalangin,
42“Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito; gayunma'y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo.”
[43Nagpakita sa kanya ang isang anghel na mula sa langit na nagpalakas sa kanya.
44Sa kanyang matinding paghihirap ay nanalangin siya ng higit na taimtim, at ang kanyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na tumutulo sa lupa.]
45Pagtayo niya mula sa pananalangin, lumapit siya sa mga alagad at naratnan silang natutulog dahil sa kalungkutan,
46at sinabi sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo pumasok sa tukso.”
Ang Pagdakip kay Jesus
(Mt. 26:47-56; Mc. 14:43-50; Jn. 18:3-11)
47Samantalang nagsasalita pa siya, dumating ang maraming tao, at ang lalaking tinatawag na Judas, na isa sa labindalawa ay nangunguna sa kanila. Siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan;
48subalit sinabi ni Jesus sa kanya, “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”
49Nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari ay kanilang sinabi, “Panginoon, mananaga ba kami sa pamamagitan ng tabak?”
50At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong pari at tinagpas ang kanang tainga nito.
51At sumagot si Jesus, “Tigil! Tama na!” At hinawakan niya ang tainga at pinagaling siya.
52Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga punong pari, sa mga punong-kawal sa templo, at sa matatanda, na dumating laban sa kanya, “Kayo ba'y lumabas na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?
53Nang#Lu. 19:47; 21:37 ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, hindi ninyo binuhat ang inyong mga kamay laban sa akin. Subalit ito ang inyong oras, at ng kapangyarihan ng kadiliman.”
Ipinagkaila ni Pedro si Jesus
(Mt. 26:57, 58, 69-75; Mc. 14:53, 54, 66-72; Jn. 18:12-18, 25-27)
54At kanilang dinakip siya, inilayo, at dinala sa bahay ng pinakapunong pari. Si Pedro ay sumunod mula sa malayo.
55At nang makapagpaningas sila ng apoy sa gitna ng patyo at makaupong magkakasama, si Pedro ay nakiupong kasama nila.
56Samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, nakita siya ng isang alilang babae, tumitig sa kanya at nagsabi, “Ang taong ito ay kasama rin niya.”
57Subalit itinanggi niya ito at sinabi, “Babae, hindi ko siya nakikilala.”
58Pagkaraan ng isang sandali ay nakita siya ng isa pa at sinabi, “Ikaw ay isa rin sa kanila.” Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ako.”
59Nang makaraan ang may isang oras, may isa pa na nagpipilit na nagsasabi, “Tiyak na ang taong ito'y kasama rin niya, sapagkat siya'y taga-Galilea.”
60Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.” At kaagad, samantalang siya'y nagsasalita pa, tumilaok ang isang manok.
61Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kanya, “Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.”
62At siya'y lumabas, at umiyak nang buong pait.
Nilibak at Hinampas si Jesus
(Mt. 26:67, 68; Mc. 14:65)
63Nilibak at hinampas si Jesus ng mga lalaking nagbabantay sa kanya.
64Siya'y piniringan din nila at pinagtatanong, “Hulaan mo! Sino ang humampas sa iyo?”
65Nagsalita pa sila ng maraming mga panlalait laban sa kanya.
Si Jesus sa Harapan ng Sanhedrin
(Mt. 26:59-66; Mc. 14:55-64; Jn. 18:19-24)
66Nang mag-umaga na, nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga punong pari, at gayundin ang mga eskriba. Kanilang dinala siya sa kanilang Sanhedrin, at sinabi nila,
67“Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Subalit sinabi niya sa kanila, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi ninyo ako paniniwalaan;
68at kung kayo'y aking tanungin ay hindi kayo sasagot.
69Ngunit magmula ngayon ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.”
70Sinabi nilang lahat, “Kung gayo'y ikaw ba ang Anak ng Diyos?” At sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagsasabi na ako nga.”
71Sinabi nila, “Kailangan pa ba natin ng saksi? Tayo na mismo ang nakarinig mula sa kanyang bibig.”

Цяпер абрана:

LUCAS 22: ABTAG01

Пазнака

Падзяліцца

Капіяваць

None

Хочаце, каб вашыя адзнакі былі захаваны на ўсіх вашых прыладах? Зарэгіструйцеся або ўвайдзіце