Committed Siya Sa Iyo预览

Committed Siya Sa Iyo

7天中的第1天

Takot ka bang mawala si Lord?

Naisip mo din ba ito— that nothing is permanent except change? We’re only human, kaya ang mga tao sa paligid natin—our friends, families, or even our spouse—ay maaaring dumaan lang at magbago. Minsan, pati nga ang pinakamalapit na relasyon, tulad ng kasal, ay nagiging mahirap at nauurong. Sa totoo lang, lumalaki tayo na parang we’re learning to accept na ganoon talaga ang buhay: there are things that come and go.

Puwedeng ganito rin ang paningin natin sa relationship natin kay God: na kailangan palagi nating sundin ang mga “rules” at huwag magkamali, kasi baka kapag nagkasala tayo o nabigo tayo, iiwan Niya tayo.

Pero alam mo, hindi yan ang plan ni God for us! Hindi Niya gustong mabuhay tayo na laging natatakot. Gusto Niya na we’re free in His presence. Kapag takot tayo, magtatago tayo kay God, at parang hindi natin kayang i-approach ang presence Niya.

Pero, anong nakasulat sa Bible? Basahin mo ito:

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. (Roma 5:8 ASND)

Do you see this? Ipinapakita nito kung gaano ka-willing si God na makasama tayo, at hindi lang basta makasama, kundi magbigay pa ng buhay Niya para sa atin.

At ano pa ang sinabi Niya sa Hebrews 13:5? Hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Kasi yun ang disenyo Niya mula pa sa simula!

Ganyan ang pagmamahal Niya sa iyo, Nangako Siyang hindi Ka Niya iiwan, na hindi Ka Niya pababayaan, at binayaran Niya ang lahat ng kasalanan mo gamit ang dugo ni Jesus, upang ikaw ay makasama Niya magpakailanman!

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

读经计划介绍

Committed Siya Sa Iyo

7-day Reading Plan Patungkol sa Committed Siya Sa Iyo

More