YouVersion Logo
تلاش

Genesis 10

10
Ang mga Lahi ng mga Anak ni Noe
(1 Cro. 1:5-23)
1Ito ang salaysay tungkol sa mga pamilya ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet. Nagkaroon sila ng mga anak pagkatapos ng baha.
2Ang mga anak ni Jafet na lalaki ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.
3Si Gomer ay may mga anak din na lalaki na sina Ashkenaz, Rifat at Togarma.
4Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Dodanim.#10:4 Dodanim: o, Rodanim. 5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6Ang mga anak ni Ham na lalaki ay sina Cush, Mizraim#10:6 Mizraim: o, Egipto., Put at Canaan.
7Si Cush ay may mga anak din na lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.
8May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod. Si Nimrod ay naging magiting na sundalo sa mundo. 9Alam ng Panginoon#10:9 Alam ng Panginoon: sa literal, sa harapan ng Panginoon. Maaaring ang ibig sabihin, tanyag siyang lubos. na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.” 10Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Akad. Ang lahat ng ito#10:10 Ang lahat ng ito: o, lugar na Calne. ay sakop ng Shinar. 11Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot Ir, Cala, 12at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cala na isang tanyag na lungsod.
13Si Mizraim#10:13 Mizraim: na siyang Egipto. ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu, 14Patruseo, Caslu at ng Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
15Si Canaan ang ama nina Sidon at Het. Si Sidon ang kanyang panganay. 16Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergaseo, 17Hiveo, Arkeo, Sineo, 18Arvadeo, Zemareo, at Hamateo.
Sa bandang huli, nangalat ang mga lahi ni Canaan. 19Ang hangganan ng lupain nila ay mula sa Sidon papuntang Gerar hanggang sa Gaza, at umabot sa Sodom, Gomora, Adma, Zeboyim at hanggang sa Lasha.
20Ito ang mga lahi ni Ham. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa kanilang sariling lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
21Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ang pinagmulan ng lahat ng Eber.
22Ang mga anak na lalaki ni Shem:
sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram.
23Ang mga anak ni Aram:
sina Uz, Hul, Geter at Meshec.
24Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber.
25May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan.
26Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera, 27Hadoram, Uzal, Dikla, 28Obal, Abimael, Sheba, 29Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ang anak ni Joktan.
30Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kabundukan sa silangan.
31Ito ang mga lahi ni Shem. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
32Ito ang lahat ng lahi ng mga anak ni Noe, na nasa ibaʼt ibang bansa. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa buong mundo pagkatapos ng baha.

موجودہ انتخاب:

Genesis 10: ASND

سرخی

شئیر

کاپی

None

کیا آپ جاہتے ہیں کہ آپ کی سرکیاں آپ کی devices پر محفوظ ہوں؟ Sign up or sign in