Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

ARAW 6 NG 58

PINAGKALOOBAN NG LAHAT NG BIYAYANG ESPIRITWAL

Kay Cristo, binigyan tayo ng Diyos ng abut-abot na kagandahang-loob. Binigyan Niya tayo ng kaligtasan, matalik na relasyon at pag asa para sa habang panahon.

BASAHIN: Efeso 1:3

BASAHIN: Juan 1:9-17

Sariwain sa alaala ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos kay Cristo. At sandaling pasalamatan Siya para sa bawat isang biyaya.

MALING PANANAW: Sana mayroon din akong biyayang kagaya ng natatanggap niya!

TAMANG PANANAW: Tumanggap tayong lahat na anak ng Diyos ng abut-abot na kagandahang-loob kay Cristo (Juan 1:16) Kailangan kong gunitain ang kamangha-manghang biyayang ipinagkaloob sa akin at ipamuhay ito.

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang planong ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagkakaloob ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.thistlebendministries.org