Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba sa Panahon ng AdbiyentoHalimbawa

Advent Adoration by Vertical Worship

ARAW 3 NG 4

Kapayapaan. 

Ang Hebreo ng salitang “kapayapaan” ay ang salitang “shalom.” Ibig sabihin nito ay “maging ligtas, makatuwiran, perpekto, kumpleto, walang kulang.” Ipinapahiwatig ng Shalom ang presensya ng kagalingan at pagkakasundo, sa kalooban at sa panlabas. Ito rin ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pagkabalisa o panggigipit. Sa Biblia, ito ay isang salitang tumutukoy sa hinaharap. 

Maaaring isipin na ang kapanganakan ng prinsipe ng “shalom” ay napakapayapa. 

Maaaring isipin. 

Mateo 1:18-25 

Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Subalit dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim. 

Kaunti lamang ang alam natin kay Jose, ang ama sa lupa ni Jesus. Siya ay isang karpintero. Isa siyang manggagawa na gamit ang kanyang kamay. Hindi siya akademiko, o mangangalakal, at hindi rin pari. Isa siyang “isang kahig, isang tuka” na uri ng tao. 

Noong ang kanyang mapapangasawa ay nagbuntis (sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, bagaman hindi pa niya ito alam), kahanga-hanga ang kanyang naging reaksiyon. Sa kabila ng posibleng sobrang sakit na pangyayari, “ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria” at nagdesisyon siyang daanin ang sitwasyon ng palihim, walang gulo. Gusto niyang bantayan si Maria mula sa pagkamuhing padating. Si Jose ay mahinahon, at pinapalitan niya ang akala niyang masama ng mabuti. Samakatuwid, isa siyang mabuting tao. 

Sa puntong ito ng istorya, siguradong siya ay walang kapayapaan. 

Mateo 1:20a

Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon.

Ang ginawa ni Jose ay “pinag-isipan ang mga bagay-bagay” ng buong gabi. Kahit ang kanyang panaginip ay ganito ang laman. Sa kalagitnaan ng kanyang panaginip may anghel na nagpakita, sa kanyang panaginip, na may ipapagawa sa kanya. 

Mateo 1:20b-25

Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, Tingnan ninyo; Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.

Kapansin-pansin ang mga anghel sa istorya ng kapanganakan ni Jesus. Sila ay may kinang at kilala sa pagdadala ng “magandang balita ng labis na kagalakan!” Pero kay Jose, bagaman ito ay mabuting balita, ang implikasyon para kanya ngayon ay mabigat. 

Itutuloy ni Jose ang kasal. Si Maria at ang kanyang anak ay napaka-importante. Si Maria ang siyang pinatotoo ng propeta. Ililigtas ni Jesus ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Iyon ay matitinding kapalaran. 

Ngunit paano na si Jose? Kapansin-pansin, walang anumang binanggit sa kanyang sariling buhay, sa kanyang sariling epekto. Para bang ang kanyang pamana ay iikot sa buhay ng dalawang ito: ang birhen at ang kanyang anak. 

“Huwag kang magpakabayani, Jose” — Naiisip kong sinasabi ng mga kaibigan niya. “Isang hangal na panaginip lamang iyon.” 

Mateo 1:24-25

Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria.  Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.

Inutusan ng Diyos si Jose na gumawa ng isang bagay, at balak niyang gawin ito. Sa kabila ng kakulangan sa ginhawa, pagsubok, pagkabalisa, hamon at kahihiyan (basahin: hindi kapayapaan), papalakihin niya ang Prinsipe ng Kapayapaan. 

Kung ako si Jose, magkakaroon ako ng ilang mga kasunod na katanungan. Ngunit si Jose ay hindi nagtanong ng anuman. Nagtitiwala siya sa Diyos at sumusunod. 

Sa katunayan, sa lahat ng mga tauhan sa simulang bahagi ng buhay ni Jesus sa lupa, nakakuha si Jose ng pinakamahabang pakikipag-usap sa mga makalangit na tagapagbalita. Paulit-ulit, ang mga anghel ay nagpapakita ng isang mahirap na gawain. Paulit-ulit, nagtitiwala at sumusunod si Jose. Makikita mo dito…

Mateo 2:13-14

Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.” Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang mag-ina. 

Mateo 2:19-20

Pagkamatay ni Herodes, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon habang siya'y nasa Egipto. Sinabi sa kanya ng anghel, “Bumangon ka. Iuwi mo na sa Israel ang iyong mag-ina sapagkat patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata.” Kaya't bumangon nga si Jose at iniuwi sa Israel ang kanyang mag-ina. 

Sinisikap nating pamahalaan ang ating sariling epekto, ang ating sariling mga pamana, ang ating sariling kapayapaan. Napakaraming pagkabalisa, labis na pagkapagod, napakakaunting kapayapaan ang nagmumula sa pagsisikap na maipakitang may walang hanggang kahulugan na nagmumula sa lakas ng ating laman. Hindi hinihiling ng Diyos na paghiwalayin natin ang dagat, kundi dumaan tayo rito. Hindi hinihiling ng Diyos kay Jose na ipaliwanag ang kanyang kasal at pamilya sa mundo - hiniling niya kay Jose na magtiwala at sumunod. 

Ang pagtitiwala at pagsunod ang paraan kung paano maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang pangako. Sa paggawa nito, tulad ng ginawa ni Jose, makakahanap tayo ng kapayapaan. 

Filipos 3:13-14; 4:7

Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan. Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Ngayong Pasko, magpasyang ipagkatiwala ang iyong kapalaran sa Diyos, at tulad ni Jose, bigkisin ang iyong pamana sa Prinsipe ng Kapayapaan. 

...

Panalangin:

Diyos ko, bigyan Mo ako ng iyong kapayapaan. Tulungan Mo akong magtiwala at sumunod.

Pagsasanay:

Ano ang mga paraan na sinubukan mong makamtan ang walang hanggang kahalagahan mula sa likas na lakas? 

Ano ang ilang mga lugar kung saan ka tinawag ng Diyos na magtiwala at sundin Siya, kahit na mahirap ito? 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Advent Adoration by Vertical Worship

Pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, kagalakan. Ang mga salitang ito ay madalas bigkasin sa mga panahon ng kapaskuhan, ngunit naaalala ba natin kung bakit?  Ang kuwento ng Pasko ay ang kuwento kung paano namagitan ang Diyos sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagsilang ni Jesus. Ang buhay nina Maria, Jose, at ng mga pastol ay lubos na nabago ng kaganapang ito. Natagpuan nila ang pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, at kagalakan; sama-sama nating tandaan kung paano, sa pamamagitan ni Jesus, mahahanap din natin ito. 

More

Nais naming pasalamatan si Jon Guerra ng Vertical Worship at Essential Worship para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: https://www.verticalofficial.com/