Palugit Upang Huminga Halimbawa

Sa napakagulong pagsusunod-sunod ng mga miting, mga kaganapan, mga obligasyon, sa paghahatid-sundo ng mga bata, pangangalaga ng mga magulang, paglilingkod sa iba, panahon para sa sarili, pag-aasikaso sa mga atupagin, kapaparoo't parito sa bayan, kakikilos hanggang sa mahapo, at maubusan na ng lakas... minsan gusto ko na lang talagang humimlay "sa luntiang pastulan," o maupo sa tabi ng "tahimik na batisan." (Kahit isang tasang kape sa balkon ay sapat na sa akin. Ganito ka rin ba?)
Kailangan natin ng palugit upang huminga.
Ang palugit upang huminga ay ang puwang sa tulin ng pagkilos at ng limitasyon mo. Ito ay isang hindi madaliang pakikipag-usap sa pinakamatalik mong kaibigan. Ito ay hapunan sa hapag sa halip na sa drive-thru. Ito ay ang makapagbigay nang bukas-palad dahil hindi pa ubos ang lahat ng kinita mo. Ang palugit upang huminga ay ang buhay na sadyang mas pinagbanayad, pinagsapat sa kung ano ang mayroon ka, at binago na mga pagpapahalaga.
Alam ko na sang-ayon ka na mas maganda ang ganitong pamumuhay kaysa sa bagabag at pagod na pakiramdam ng napakaraming obligasyon at labis na pasanin. Ngunit, madaling makita sa kalendaryo mo na—tulad ng iba—nahihirapan kang magdahan-dahan.
Ano ba ang nagtutulak sa iyo na mamuhay nang lampas sa iyong mga limitasyon?
Hindi madaling makita at hindi madaling aminin, ngunit para sa akin, ito ay takot. Takot akong hindi ako kasali, kaya pinipilit kong makapaghapunan kasama ng mga amiga kahit pagod na pagod na ako. Natatakot akong mapag-iwanan, kaya't naghahanap ako online ng bagong sasakyan kahit napakahusay pa ng akin. Natatakot akong biguin ang iba kaya't sumasang-ayon akong sumali sa kumite kahit hindi malapit sa puso ang proyekto... nauunawaan mo 'di ba?
Binubulong sa atin ng takot na hindi na tayo kasali o napag-iiwanan na tayo, kaya't pinupuno natin ang ating mga kalendaryo ng mga gawain at inuubos ang ating inipon sa bangko. Ninanakaw ng takot ang ating palugit upang huminga. Ngunit alam mo ba ang kautusang pinakainuulit-ulit sa buong Biblia? Huwag... kang/kayong matakot. Sinasabi sa atin ng Diyos na hindi natin kailangang magpaapi sa takot. Inaalok Niya tayo ng nakakagulat sa kasimplehan na paraan upang mapagtagumpayan ito.
Bukas ay titingnan natin ang paraan kung paano iniimbitahan tayo ng Diyos (nang libo-libong taon na) na maibalik ang palugit upang huminga sa ating mga buhay. Sa ngayon, tingnan ang iyong kalendaryo at tanungin:Ano ang isang bagay na sumang-ayon akong daluhan dahil lamang natakot akong hindi makasali o mabigo ang iba kung tatanggihan ko?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Minsan ba ay nararamdaman mong hindi ka nasisiyahan sa anumang bagay dahil tinatangka mong gawin ang lahat ng bagay? Gawi mo na sa buhay ang pagmu-multitask kasama ang iyong mga minamahal. . .Oo nga at ikaw ay maraming nagagawa. Ngunit ikaw naman ay pagod na pagod. Kailangan mo ng kahit kaunting palugit upang huminga. Sa pamamagitan ng isang simpleng imbitasyon, nag-aalok ang Diyos ng paraan upang mapalitan ang iyong nakakapagod na buhay ng iba naman na magbibigay sa iyo ng kapayapaan. Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Kabalisahan

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na Pagpapahinga

Habits o Mga Gawi

Matatag

Paglalaan ng Oras Upang Magpahinga

May Power Ang Words Natin
