Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asaHalimbawa

Hope

ARAW 2 NG 3

  • May mga pagkakataon sa aking buhay na naisip kong wala nang mas lalala pa. Ang mga ito ang mga pagkakataong nawawalan ako ng pag-asa. Naisip ko "Kung manatiling ganito ang mga bagay-bagay, hindi ko alam kung makakayanan ko pang magpatuloy."Sa aking pagbabalik-tanaw, mas naiintindihan ko na. Ang mga karanasan kong ito ang nagturo sa akin na kasama ko ang Diyos kahit hindi ko ito batid. Mas naiintindihan ko na nang malinaw ang mga plano Niya kaysa noon. Binibigyan ako nito ng pag-asa. Sa lahat ng oras ay pinangangalagaan ako ng Diyos at mayroon Siyang plano. Magtiwala ka sa Diyos. Siya ay mapagkakatiwalaan.
    Jeremias 29:11
  • Naranasan mo na bang magkaroon na saloobin tulad ng "Wala namang may gusto sa akin - palagi akong nagkakamali? Alam ko, may mga nasaktan akong mga tao. Nakokonsenya ako. Mayroon akong pagdududa at paghahamak sa aking sarili. Ngunit ito iyon. Mas kilala ako ng Diyos kaysa ng sinuman. GINAWA Niya ako. NIlikha niya ang aking isip at binigyan Niya ako ng bibig. Hindi kailanman Siya tumigil sa pagmamahal sa akin. Tapat Siyang nanatili sa akin magpakailanman. Ang bawat araw ay bago sa Diyos. 
    Mga Panaghoy 3:22-23
  • Ang ilan ay maaaring magsabi ng "Ang kakayahang makakita ay batayan ng paniniwala." Hindi, "ang paniniwala ay upang lubos na makakita." Ang aking mga espirituwal na mata ay nabuksan noong araw na ako ay naniwala sa aking Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Ngayon, iyan ang TUNAY NA PAG-ASA. 
    Mga Taga-Roma 8:24-25
  • Wasak ba ang iyong puso? Ikaw ba ay nalulumbay? Naku, naranasan ko na iyan. Panandalian lamang iyan. Hindi ka maniwala. Ikaw ang mismong taong itinalaga ni Jesus upang maglingkod! Siya'y nasa isang misyon. Siya ay may mensaheng "Magpalaya mula sa piitan" para sa iyo upang iyong paniwalaan at itanim sa iyong puso. Ikaw ay lalaya at mapupuno ng pag-asa kung Siya ay iyong tatanggapin at paniniwalaan!
    Isaias 61:1
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hope

PAG-ASA Tingnan natin ang ilang Mga Bersikulo sa Biblia tungkol sa pag-asa. Nais ng Diyos na ikaw ay maging mapayapa, walang takot, puno ng pananampalataya at pag-ibig, tama? Hindi Niya gugustuhin na ikaw ay mabalisa o mapuno ng galit. Ang mga Kasulatan ay nagtuturo sa iyo kung papaano maging isang mas mapagpatawad na tao. Ang karunungan ay nagmumula sa pagmumuni-muni sa Salita ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang MemLok, isang Bible Memory System, para sa isktraktura ng babasahing ito. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa MemLok, bisitahin ang http://www.MemLok.com