Ang Pagdating: Si Cristo ay Parating Na!Halimbawa
Ang Adbiyento ay binubuo ng 4-linggong paghihintay nang may pag-aasam na ipinagdiriwang sa buong mundo. Ito ay panahon ng paghahanda sa ating mga puso na masumpungan ang ating Tagapagligtas, ang itinakdang Mesias. Ito ay panahon ng pagninilay-nilay at pagtuturo sa ating mga anak tungkol kay Jesus, ang Kanyang pagsilang, buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay. Nawa ang panahong ito ay humimok sa ating mga puso na magnilay-nilay sa mga naganap at magsulong sa atin tungo sa bagong taon ng pag-asa at paghahanda para sa Kanyang susunod na maluwalhating pagdating!
SINDIHAN ANG KANDILA
Ating hinihintay ang Mesias!
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pagdating ni Cristo sa iyong mag-anak at planuhin na magsama-sama araw-araw para rito. Gumawa ng 25 marka sa isang mahabang kandila at isulat ang mga bilang 1-25 (gamit ang permanent marker) sa tabi ng bawat marka. Sindihan ang kandila gabi-gabi sa iyong pagbabasa ng Salita ng Diyos o kasama ang iyong mag-anak at hayaang matunaw ito hanggang sa susunod na marka pababa.
BASAHIN ANG BANAL NA KASULATAN
Ang Pagtitipan ng Diyos sa Kanyang Nilikha at Tao
Genesis1:27-28, 2:16-17 at Jeremias 33:19-22
TUMUGON NG PAPURI
Magpuri sa pamamagitan ng Iyong Buhay
Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Ang Salita Niya ay tiyak. Nagtitiwala ka ba sa Kanya?
Bigyang-pansin ang iyong mga salita. Tinutupad mo ba ang iyong mga pangako?
Sinasabi mo ba ang tunay na nasa isip mo at tunay na nasa isip mo ba ang iyong sinasabi?
Pagsamba sa Panalangin
Gamitin ang Banal na Kasulatan upang sambahin, kilalanin, papurihan, at pasalamatan ang Diyos.
Pagsamba sa Awit
Awitin ang, "All Creatures of Our God and King."

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyonal na ito tungkol sa adbiyento ay mula sa Thistlebend Ministries at para sa mga sa mga mag-anak o mga indibidwal, upang ihanda ang ating mga puso na ipagdiwang ang Mesias. Binibigyan-diin nito ang kahulugan ng pagdating ni Cristo sa ating buhay ngayon. Idinisenyo upang umpisahan sa ika-1 ng Disyembre. Nawa ay makalikha ng mga panghabang-buhay na alaala ang inyong mag-anak habang gamit ang gabay na ito upang makita ang matatag na pag-ibig ng Ama para sa bawat isa sa inyo.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagkakaloob ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.thistlebendministries.org